Nuvali, Sta. Rosa, Laguna

Nuvali, Sta. Rosa, Laguna

Madaming beses na akong nakapunta dito kasi kapag natripan namin ni Mommy dati magstrolling madalas dito kami pumunta. Malapit lang ito sa amin. Si Joseph naman, first time nyang pumunta dito.

Sa Dasmariñas ang meeting place namin kaya nakapunta kami dun via SLEX. Bago kami pumunta sa Nuvali, kumain muna kami sa Paseo de Sta. Rosa kasi alam kong walang fastfood sa mismong loob. Eh gusto namin makatipid sa pagkain at naisip ko din magstrolling since may mga shops doon.


Pagkatapos namin kumain at kaunting strolling, pumunta na kami sa Nuvali (Solenad). May sadya din kami talaga dito ni Joseph, yung rent ng BIKE. Gusto nya ako turuan kasi nga ay hindi pa ako marunong nun. Ang alam ko lang ay bike na may support na gulong. Hahaha!

Isa din sa attraction dito ay yung mga Koi Fish nila na pwede mong pakainin ng feeds. Yung feeds ay nabibili din doon. Worth 15.00Php lang per pack. Nakakatuwa yung mga isda kasi ang dami nila at ang colorful pa.

  

Bago kami magpakain ng isda, nagbike muna kami. Isa lang ang kinuha naming bike kasi nga tuturuan pa lang naman nya ako. Ang rate dito ng rent ng bike at Php60.00 per hour. Along lakeside lang pwede magbike pero sulit na din naman kasi malawak naman ang park. Requirement nila ay isang valid id at kelangan nakasapatos ka.

Ang hirap magbike pag first time mo lang! Hay, naiiyak nga ako kasi nahihirapan talaga ako pero gusto ko din naman talaga matuto. Ang bait pa ng tutor ko kasi ang tyaga nya magturo sa akin. Hehe! Ayaw ako sukuan, gusto daw kasi nya matutuo talaga ako. Kaso ang dali ko mapagod. Kaya nauupo ako sa may grass side sa tuwing pagod na ko. Ayun, mas madalas siya tuloy na ang nagbabike! Hehe! Matututo din akong magbike, pero matatagalan nga lang siguro. Haha!

Tapos namin may bike ay sinurrender na ulit namin ito at kinuha yung id ko. Dahil sa pagod at uhaw, sa Starbucks muna kami. Nakakarefresh! Napagod ako dahil mainit din ang sikat ng araw.

After nun, bumalik kami sa lakeside at nagpakain na ng mga isda. Naalala ko talaga si Mommy! She loves this place so much. How I wish I can see her smiles again whenever she’s here.


Meron din silang boat ride. Php30.00 lang siya per person. Hindi na natry yun ni Joseph kasi wala na kaming oras. Umuwi na kami ng mga 4pm dahil baka matraffic kami. I had so much fun that day kahit na nakakapagod yung pagbabike! Hahaha!

Thank you for this wonderful day, Papa God! 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Nuvali, Sta. Rosa, Laguna

  1. agutierrezz

    AMAZING POST!! Your blog has inspired my best friend and I to start our very own blog. Please check out our blog when you have the chance, it would mean a lot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s